Sabado, Marso 12, 2016

Edsa People's Power Revolution





                                       Image result for edsa revolution 2016 photos




Pebrero 25,1986, petsang minarkahan ng mga Pilipino at siyang itinakdang Edsa People's Power Revolution. Na kung saan ipinakita ng mga Pilipino ang malawakang pag-aaklas o pagtutol nito sa batas Militar at pamahalaan. Kaliwat kanang pagprotesta upang wakasan ang diktaturyal na pamumuno ng dating pangulong Ferdinand Marcos. 

Tatlumpong (30)  taon na ang nakalipas mula sa nasabing kasaysayan, ngunit sariwa parin sa ating mga mamamayan ang nasapit nitong trahedya. Mga paghihirap, kawalan ng karapatang pantao at kamatayan. 
Mga alaalang mahirap balikan at wag na sanang ibalik pa. Hindi ko man nasaksihan ang rebolusyong ito, busog naman ako sa mga kaalamang bukod tanging dulot nito.

Sadya ngang natauhan na ang mga sambayanang Pilipino sa mga hinagpis at pagdurusang nagdaan dito, dahil unti-unti ng naibabalik sa tama ang baluktot nating pamahalaan.

Masasabi kong isa ako sa mga mapalad na hindi nakaranas sa mga pagdurusa ng kahapon.Bagkos ay akin pang pagyayamin ang dunong na naibahagi ng nagadaang kasaysayan.




              Image result for philippine flag photos  Image result for edsa revolution 2016 photos




                                               Image result for edsa revolution 2016 photos






Kalilangan 2016




                                           
                                               Image result for photos of kalilangan festival

                       


Ang kalilangan ay nagmula sa salitang kalilang na nanggaling sa dialekto ng mga taga-Maguindao. Ito ay nangangahulugang "pagdiriwang", "kapistahan", "kasiyahan" o "festival of all festival". Ito ay ginugunita ng mga residente sa Lungsod ng Heneral Santos.

Tuwing buwan ng Pebrero ay makulay at masayang ipinagdiriwang ng mga residente dito ang nasabing okasyon. Na kung saan tampok ang ibat-ibang presentasyon ng mga mananayaw at mang-aawit. 

Dagsa-dagsa ang mga dayuhan at turista ang nakikilahok sa mga patimpalak ng nasabing pagdiriwang. 
Ilan sa espesyal o highlights ng pagdiriwang ay ang steetdancing parade, na kung saan suot-suot  ng mga manlalahok ang pare-pareho at makukulay nilang kasuotan na kahawig ng B'laan at Maguindanaon's at sumasabay sa tunog ng tambol at mga kulintang.

Likha ngang masasabing mayaman ang Pilipinas. Sa likas na yaman, atraksyon at kultura nitong taglay.






                                        Image result for photos of kalilangan festival 
                                          Image result for photos of kalilangan festival