Ang kalilangan ay nagmula sa salitang kalilang na nanggaling sa dialekto ng mga taga-Maguindao. Ito ay nangangahulugang "pagdiriwang", "kapistahan", "kasiyahan" o "festival of all festival". Ito ay ginugunita ng mga residente sa Lungsod ng Heneral Santos.
Tuwing buwan ng Pebrero ay makulay at masayang ipinagdiriwang ng mga residente dito ang nasabing okasyon. Na kung saan tampok ang ibat-ibang presentasyon ng mga mananayaw at mang-aawit.
Dagsa-dagsa ang mga dayuhan at turista ang nakikilahok sa mga patimpalak ng nasabing pagdiriwang.
Ilan sa espesyal o highlights ng pagdiriwang ay ang steetdancing parade, na kung saan suot-suot ng mga manlalahok ang pare-pareho at makukulay nilang kasuotan na kahawig ng B'laan at Maguindanaon's at sumasabay sa tunog ng tambol at mga kulintang.
Likha ngang masasabing mayaman ang Pilipinas. Sa likas na yaman, atraksyon at kultura nitong taglay.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento