Pebrero 25,1986, petsang minarkahan ng mga Pilipino at siyang itinakdang Edsa People's Power Revolution. Na kung saan ipinakita ng mga Pilipino ang malawakang pag-aaklas o pagtutol nito sa batas Militar at pamahalaan. Kaliwat kanang pagprotesta upang wakasan ang diktaturyal na pamumuno ng dating pangulong Ferdinand Marcos.
Tatlumpong (30) taon na ang nakalipas mula sa nasabing kasaysayan, ngunit sariwa parin sa ating mga mamamayan ang nasapit nitong trahedya. Mga paghihirap, kawalan ng karapatang pantao at kamatayan.
Mga alaalang mahirap balikan at wag na sanang ibalik pa. Hindi ko man nasaksihan ang rebolusyong ito, busog naman ako sa mga kaalamang bukod tanging dulot nito.
Sadya ngang natauhan na ang mga sambayanang Pilipino sa mga hinagpis at pagdurusang nagdaan dito, dahil unti-unti ng naibabalik sa tama ang baluktot nating pamahalaan.
Masasabi kong isa ako sa mga mapalad na hindi nakaranas sa mga pagdurusa ng kahapon.Bagkos ay akin pang pagyayamin ang dunong na naibahagi ng nagadaang kasaysayan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento